^

Probinsiya

2 nagbanta ng pamamaril sa 2 katao, arestado

Ramon Efren Lazaro - Pilipino Star Ngayon
2 nagbanta ng pamamaril sa 2 katao, arestado
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga otoridad ang dalawang suspect dahil sa pagbabanta ng pamamaril sa dalawang katao nitong Biyernes sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ni Col. Robert Domingo, acting police chief ng lunsod, kinilala ang dalawang suspek na sina alias “Jonel” at “Kevin” na umano ay nagbanta ng pamamaril sa mga biktimang sina alyas  “Linda” at “Reggie”, Sitio Mali, Barangay Cutcut, Angeles City, alas-8:00 ng gabi.

Nang makatanggap ng reklamo ang pulisya sa dalawang biktima ay agad na ito ay rumes­ponde at inaresto ang dalawang suspek na kung saan ay narekober ang isang airsoft imitation firearm sa bahay ni Jonel.

Ang dalawang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya at inihahanda ang kaukulang kaso.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with