Christmas Festival of Lights sumabog, 18 sugatan
MANILA, Philippines – Labingwalo katao ang nasugatan matapos na aksidenteng sumabog ang ilang fireworks sa nauwi sa trahedyang pagbubukas ng “Christmas Festival of Lights 2026” sa Tangub City, Misamis Occidental nitong Sabado ng gabi.
Kabilang sa mga nasugatan ay sina Corcord Paul Ramas Jr., 27-anyos, kasintahan nitong si Jhe Marie Rio, 24; Reymar Jay Billeta, 18; Wendel Degamo, 33 at iba pa; pawang mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.
Sa ulat ng Tangub City Police, nangyari ang pagsabog dakong alas-8 ng gabi sa grand opening ng nasabing festival na inoobserbahan sa Tangub City.
Ang Tangub City ay kinikilala at dinarayo ng mga turista bilang “Christmas Symbol Capital of the Philippines.” Sa taong ito ang festival ay may temang This year’s festival, themed Pasko sa Pamilya (Christmas of the Family), is the fifth edition.
Kasalukuyan umanong nanood sa fireworks display ang mga biktima kabilang ang magkasintahan nang biglang sumabog ang mga paputok sa mga nanonood sa nasabing mga pailaw.
Sa lakas ng pagsabog, nasugatan ang 18 katao na sinaklolohan naman ng rescue team at isinugod sa pagamutan.
Kaugnay nito, namahagi na ang pamahalaang lungsod nitong Linggo ng pinansyal na tulong sa mga nasugatang biktima para sa pagpapagamot sa tinamo ng mga itong sugat sa katawan.
- Latest
















