2 lider ng Ozamis Group utas sa pulis-escort
MANILA, Philippines - Dalawang lider ng notoryus na Ozamis Gang ang napaslang matapos makabarilan ng mga opeÂratiba ng pulisya ang mga kasamahan ng dalawa nang tambangan ang convoy ng pulisya sa bigong rescue sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Lunes ng gabi.
Kinilala ni Calabarzon PNP director P/Chief Supt. Benito Estipona ang mga napatay na sina Ricky “Kambal†Cadavero, 36, lider ng grupo at Wilfredo “Kulot†Panogalinga Jr., henchman ni kambal.
“There’s an attempt to rescue them according to the assessment of our investigators,†pahayag ni Estipona sa phone interview.
Ang grupo ni CadaÂvero ang itinuturong binayaran ng P50 milyon ng tatlong drug lord na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy; asawa na si Wang Li Na, at Li Tian Hua na itinakas ng grupo matapos harangin ang convoy ng provincial jail sa Trese Martires City, Cavite noong Pebrero 20.
Nasakote ang mag-asawang Dy sa bahagi ng San Juan City, Metro Manila noong Sabado (Hulyo 13) habang pinaghahanap pa si Hua.
Si Cadavero na nakatakas sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na may 7-buwan na ang nakalipas ay muling nasakote ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite noong Biyernes (Hulyo 12).
Napag-alamang pabalik na sa Calamba City PNP ang anim na pulis na nag-escort kina Kambal at Kulot matapos ang inquest proceeding sa Dasmariñas City nang mapansin na may motorsiklong sumusunod at pagsapit sa Magsaysay Highway sa Barangay San Antonio ay isa pang motorsiklo ang sumulpot at pinaputukan ang sasakyan ng PNP.
Dito na tinangka nina Cadavero at Panogalinga na agawin ang baril ng kanilang escort kung saan nakipambuno ang dalawang.
Sa palitan ng putok ay tinamaan sina Cadavero at Panolinga na bagaman nagawa pang isugod sa pagamutan ay idineklarang patay sa Beato Cauilan Hospital sa Muntinlupa City.
Wala namang nasugatan sa mga pulis maliban lamang sa konting gasgas na tinamo sa pakikipagpambuno sa dalawa na nang-agaw ng baril.
Bago mapatay ang daÂlawa ay iprinisinta pa nina Interior and Local GoveÂrÂnÂment Secretary Mar Roxas at PNP Chief Director GeÂneral Alan Purisima sa Camp Crame ang dalawa at ilang miyembro nito noong Lunes ng tanghali.
Ipinag-utos na kahapon ni Interior and Local GoÂvernment Secretary Mar Roxas ang malalimang imbestigasyon sa pagkasawi ng dalawang kilabot na lider ng Ozamis Group.
- Latest