^

Probinsiya

Reporter niratrat ng tandem

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamata­yan ang isang tabloid reporter matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Mambog 2, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga. Dalawang bala ng baril ang tumama  kay Jun Valdecantos, correspon­dent sa iba’t ibang lokal na tabloid sa Cavite. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril ilang metro ang layo sa bahay ng biktima sa nabanggit na barangay dakong alas- 9:20 ng umaga. Nabatid na naglalakad ang biktima nang lapitan at ratratin ng tandem. Napag-alaman pa na bago ang pamamaril ay namataan  ng ilang bystander ang motorsiklo ng gunmen na nagpapaikut-ikot sa nasabing lugar na tila may inaabangan. Samantala, kinondena naman ng pamunuan ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag at National Press Club ang pamamaril kay Valdecantos kung saan binatikos nito ang Aquino Administration sa pagiging matamlay sa media killings.

ALYANSA

AQUINO ADMINISTRATION

BACOOR CITY

BARANGAY MAMBOG

CAVITE

DALAWANG

FILIPINONG MAMAMAHAYAG

JUN VALDECANTOS

NATIONAL PRESS CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with