^

Probinsiya

Ambush: Trader, ka-live-in dedo

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napatay ang negosyanteng Bumbay at ka-live-in nitong Pinay habang sugatan naman ang isa pa matapos na ratratin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway sa Barangay Anao sa bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa.

Kinilala  ang dalawa na sina Sital Cumar, 42;  at ka-live-in nitong tinukoy lamang sa pangalang Marlyn, kapwa nakatira sa Barangay Casibarag Norte sa nabanggit na bayan.

Samantala, ginagamot naman sa Milagros District Hospital ang sugatang si Perla Castillo.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Franklin Mabanag, Isabela PNP director na nakarating sa Camp Crame, nangongolekta ng pautang sa negosyong 5-6 ang magka-live-in kay Castillo nang ratratin ng mga ’di-kilalang lalaki na lulan ng abuhing kotse.

Nabatid na napuruhan si Cumar habang nagawa namang makatakbo ni Marlyn sa bahay ni Castillo pero sinundan ito ng gunmen at muling pinagbabaril.

Samantala, minalas namang tamaan si Castillo kung saan isinugod ito at si Marlyn sa nasabing hospital pero hindi na umabot ng buhay ang ka-live-in Cumar.

vuukle comment

BARANGAY ANAO

BARANGAY CASIBARAG NORTE

CAMP CRAME

CUMAR

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

MARLYN

MILAGROS DISTRICT HOSPITAL

PERLA CASTILLO

SAMANTALA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with