^

Probinsiya

3 kidnaper tumba sa shootout

- Joy Cantos - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Tatlong bandidong  Abu Sayyaf na kidnaper ang napaslang matapos makipagsagupaan sa mga operatiba ng pulisya at militar habang na­sagip naman ang Chinese trader na bihag sa inilatag na rescue operation sa Zam­boanga City kahapon ng umaga­.

Ayon kay Directorate for Police Operations-Western Mindanao Director P/Chief Supt. Manuel Barcena, bandang alas-10 ng umaga nang sumiklab ang bakbakan sa liblib na bahagi ng Brgy. Dulian  Calabasa.

Ang grupo ng Sayyaf sa pamumuno nina  Khair Mundos at Ajijul Temeng ay sangkot sa pagbihag sa mining executive na si Lin Yuankai alyas Jampong Lin, 38; at kasamahan nitong negosyanteng si Jian Luo alyas James Luo, 43.

Ang dalawa ay binihag sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga del Sur noong Hunyo 4 kung saan unang pinalaya si Luo sa Zamboanga City noong Agosto  26 matapos na magbayad ng ransom.

Matagumpay namang na­iligtas ang biktimang si Yuankai matapos na magpulasan ang mga kidnaper na nasiraan ng loob sa pagka­lagas ng kanilang tatlong kasamahan. 

vuukle comment

ABU SAYYAF

AJIJUL TEMENG

CHIEF SUPT

JAMES LUO

JAMPONG LIN

JIAN LUO

KHAIR MUNDOS

LIN YUANKAI

MANUEL BARCENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with