^

Probinsiya

Abra naalarma sa dengue

- Artemio Dumlao - The Philippine Star

BAGUIO CITY, Philippines  – Naalarma ang mga doktor sa Government lalawigan ng Abra dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyente na may dengue.

Sa ulat ng Abra Provincial Health Office, umaabot na sa 395 kaso ng dengue kung saan lima-katao na ang nasawi simula pa noong Enero 2012.

Sa 395 kaso ay 258 ang nagpositibo sa dengue matapos ang laboratory test kung saan 137 naman ang suspek na may dengue base sa clinical diagnosis na hindi undergo sa laboratory examination, ayon kay Leila Bernal, Disease Surveillance officer.

Nabatid na 136 kaso ng dengue ay nagmula sa Bangued partikular na sa mga Barangay Agtangao, Poblacion kabilang na ang Zones 1, 5, 6 at 7.

Kabilang sa mga nasawi sa dengue ay mula sa bayan ng Danglas sa Brgy. Yuyeng habang isa naman ay mula sa bayan ng Pidigan at ang dalawa ay nagmula sa mga Brgy. Lagben, Lagangilang at Brgy. Zone 5 sa Bangued.

Gayon pa man, nanawagan si Dr. Darby Madriaga ng Bangued municipal health office sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan at barangay na ipatupad ang ordinansa na nag-aatas sa lahat ng residente na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran partikular na ang mga posibleng breeding areas ng dengue-carrying mosquitoes.

ABRA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

BANGUED

BARANGAY AGTANGAO

BRGY

DENGUE

DISEASE SURVEILLANCE

DR. DARBY MADRIAGA

LEILA BERNAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with