Karnaper bulagta sa shootout
BULACAN, Philippines - Bulagta ang notoryus na karnaper matapos na makipagbarilan sa pulisya sa bahagi ng Barangay Tampok sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng napatay na nakaputing t-shirt, short pants at asul na tsinelas. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rolando Santos, nagreklamo si Conrado Calison ng Brgy. San Juan na kinarnap ang kanyang traysikel kaya inilatag ang follow-up operation. Dito namataan ang di-kilalang lalaki na kinakatay na ang kinarnap na traysikel kaya tinangkang sitahin ng pulisya subalit nakipagbarilan ang lalaki na nauwi sa shootout.
- Latest
- Trending