^

Probinsiya

Obrero dinedo sa pabrika, 3 pa grabe

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa ang napatay habang tatlong kamag-anak ni Mayor Delfin Ting ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng grupo ng armadong kalalakihan sa Barangay Simanu Norte sa bayan ng San Pablo, Isabela kamakalawa.

Sa police report na nakarating kay P/Se­nior Supt. Franklin Mabanag, nagkagutay-gutay ang katawan ni James Tangan matapos tamaan ng mga bala ng Armalite Rifle habang kritikal naman ang magpipinsang sina Darwin, Antonio at Richard Telan.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na magkakasamang gumagawa ng basket at bilao sa maliit na pabrika ang biktima nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan magkakasunod na bumulagta ang apat.

Naisugod naman sa Cagayan Valley Regional Medical Center subalit namatay si Tangan habang ang tatlong manggagawa ay kasalukuyang nakikipag­laban kay kamatayan.

Isa sa mga suspek ang nakilalang si Jun-jun Tiongan ng Barangay Catengtengan at ngayon ay tugis ng pulisya.

Ayon kay P/Supt. Vicente Valdez, sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong personal vendetta at land dispute sa naganap na krimen.

ARMALITE RIFLE

BARANGAY CATENGTENGAN

BARANGAY SIMANU NORTE

CAGAYAN VALLEY REGIONAL MEDICAL CENTER

FRANKLIN MABANAG

ISA

JAMES TANGAN

MAYOR DELFIN TING

RICHARD TELAN

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with