^

Probinsiya

2 miyembro ng robbery gang, bulagta

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Bumulagta ang dalawang miyembro ng notoryus na robbery gang matapos na masabat ng mga operatiba ng pulisya sa naganap na shootout sa Sipalay City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay base sa nakuhang identification card sa mga ito na sina Bartol Ragasa at Patrocenio “Pati” Ortiaga.

Bandang alauna y kinse ng madaling araw nang masabat ng mga tauhan ni Sipalay City PNP director P/Supt. German Garbosa, ang grupo ng gang sa bisinidad ng Barangay Poblacion II.

Pinaniniwalaang may plano na namang magha­nap ng potensyal na bibiktimahan ang grupo nang matiyempuhan ng mga nagpapatrulyang operatiba ng pulisya.

Agad pinaputukan ng grupo ng kalalakihan ang mga pulis na nauwi sa shootout habang wala namang nasugatan at nasawi sa panig ng pulisya.

Narekober ang dalawang cal .45 pistol na may kargang bala habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BANDANG

BARANGAY POBLACION

BARTOL RAGASA

BUMULAGTA

GERMAN GARBOSA

KINILALA

NAREKOBER

NEGROS OCCIDENTAL

SIPALAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with