^

Probinsiya

Kolektor hinoldap, tinodas

- Francis Elevado - The Philippine Star

CAMARINES NORTE, Philippines  - Niratrat at napatay ang 41-anyos na kolektor ng pribadong kompanya matapos holdapin ng dalawang di-kilalang kalalakihan sa Purok 4, South Poblacion sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Samson Belmonte, tatlong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Nona Talento, kawani ng Helen Trading, ng Barangay Awitan sa bayan ng Daet. Lumilitaw na katatapos lamang maningil sa ilang business establishment sa pamilihang bayan nang harangin at inaagaw ng dalawang armadong kalalakihan ang bag ng biktima na naglalaman ng P.7 milyon. Tinangkang lumaban ng biktima kaya pinutukan ito tatlong beses. Pinaniniwalaan namang natiktikan ng mga hodaper ang biktima kaya isinagawa ang krimen.

BARANGAY AWITAN

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

DAET

HELEN TRADING

JOSE PANGANIBAN

LUMILITAW

NIRATRAT

NONA TALENTO

SAMSON BELMONTE

SOUTH POBLACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with