Konsehal tiklo sa buy-bust
July 4, 2012 | 12:00am
CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 54-anyos na konsehal ng barangay makaraang dakmain ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Councilor Roberto Estapia ng Barangay Daang Amaya III sa nasabing bayan. Nasamsam sa suspek ang kalahating kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana at ang marked money na ginamit sa operasyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended