^

Probinsiya

Bokal nilikida sa tindahan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Napaslang ang Sangguniang Bayan member matapos pagbabarilin ng tatlong armadong kalalakihan sa labas ng tindahan sa Brgy. Tapaz sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Bokal Gregorio Plaza Sr. kung saan naisugod pa sa Bunawan District Hospital subalit idineklarang patay.

Lumilitaw na nakaupo sa labas ng tindahan ang biktima habang abala ang mga tao sa lugar sa selebrasyon ng kanilang kapiyestahan nang lapitan at ratratin.

Mabilis namang hinabol ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek na lulan ng motorsiklo hanggang sa masakote sa crossing ng Brgy. Kapatungan sa bayan ng Trento, Agusan del Sur.

Pormal na sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Rolando Duyan, 30; Luisito Entic, 30 at isang menor-de-edad na itinago sa pangalang John na pawang nakatira sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang baril at mga bala.

AGUSAN

BOKAL GREGORIO PLAZA SR.

BRGY

BUNAWAN DISTRICT HOSPITAL

COMPOSTELA VALLEY

JOSEFA

KAPATUNGAN

LUISITO ENTIC

ROLANDO DUYAN

SANGGUNIANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with