^

Probinsiya

3 kritikal sa pamamaril ng senglot

- Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  –Tatlo-katao ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa nag-amok na senglot sa sayawan sa Barangay Bani sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Ang mga biktimang naisugod sa Tinambac Infrimary Hospital ay sina Pio Sales, 35; Diane Gianan, 14; at si Judith Cantor, 53. Samantala ang suspek na kaagad naman na nasakote ng pulisya ay kinilalang si Ryan Tuy, 25. Base sa ulat ng pulisya, bago mamaril ang suspek ay sinuntok muna nito si Rowell Sales, 28. Dito na nagkagulo kung saan hinampas ng silya ng utol ni Sales ang suspek na lango sa alak kaya ito namaril sa loob ng sayawan. Lumilitaw na ang suspek ay may personal na galit kay Sales kaya sinasabing naghiganti ito.

vuukle comment

BARANGAY BANI

CAMARINES SUR

DIANE GIANAN

DITO

JUDITH CANTOR

LEGAZPI CITY

PIO SALES

ROWELL SALES

RYAN TUY

TINAMBAC INFRIMARY HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with