Nene utas sa gulong ng trak
LOPEZ,QUEZON, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 10 anyos na batang babae habang nasugatan ang kasama nito matapos na aksidenteng tamaan ng tumalsik na gulong ng isang trailer truck sa Maharlika highway sa Brgy. Sutgod ng bayang ito.kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang nasawing biktima na si Camela Canzana na nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at katawan habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Irene Cuyos, 39 anyos.
Ayon kay PO2 Jojo Pangilinan, dakong alas- 10 ng umaga habang tinatahak ng International Trailer Truck (CWY-122 ) na minamaneho ni Reynaldo Sanchez ng Pangasinan ang Maharlika Highway upang dalhin sa Bicol ang kargang aspalto ng aksidenteng tumalsik ang gulong na sa kamalasan ay tumama sa mga biktima na nagkataong naglalakad sa tabi ng kalsada. Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang naarestong driver ng truck.
- Latest
- Trending