^

Probinsiya

Ama sinibat ng anak, dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Mistulang sinapian ng masamang espiritu ang 27 anyos na lalaking may diperensya sa pag-iisip matapos nitong sibatin at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang sariling ama sa bayan ng Panukulan, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Ruben Placer, 56, ng Barangay Cala­sumanga habang ang suspek na nahaharap sa kasong parricide ay nakilalang si Rolly Placer.

Sa ulat ng Quezon PNP sa Camp Crame, naganap ang insidente sa koprahan ng niyog ng matandang Placer may 10-metro lamang ang layo sa tahanan nito sa nabanggit na barangay, dakong alas-7 ng gabi.

Abala sa pagkokopra ang biktima kasama ang live-in partner nito nang dumating ang suspek na may dalang matalim na sibat.

Walang sabi–sabing pinagsasaksak ng sibat ang ama na nasapul ng tama sa dibdib habang nagawa namang makatakbo ng live-in partner ng matanda.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. 

vuukle comment

ABALA

BARANGAY CALA

CAMP CRAME

KINILALA

MATAPOS

MISTULANG

PANUKULAN

QUEZON

ROLLY PLACER

RUBEN PLACER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with