^

Probinsiya

P51 milyong droga winasak sa thermal facility

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa P51-M halaga ng ilegal na droga na nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-), pulisya at militar sa serye ng operasyon ang winasak sa isang thermal facility ng isang pribadong firm sa  Maguindanao del Norte nitong Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ni PDEA-BARMM Director George Paul Alcovindas, isinagawa ang ‘thermal destruction’ sa Lamsan Incorporated sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte dakong ala-1 ng hapon.

Ang droga  na nakumpiska ng mga awtoridad sa serye ng operasyon sa BARMM na isinalang sa thermal boiler ng naturang  firm sa nabanggit na lugar.

Kabilang sa mga winasak na droga ay 7,443 gramo ng shabu at P605.9 gramo ng marijuana na ang kabuuang halaga ay nasa P51,202,784 milyon.

Bukod dito ay isinama na rin ang mga expired na gamot na tinataya namang nagkakahalaga ng P515,987.00.

Inihayag ni Alcovindas na isinailalim sa thermal destruction ang nakumpiskang shabu at marijuana sa 5.5 megawatt thermal boiler.

ILLEGAL DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with