^

Probinsiya

Suspek nasakote sa 3 shooting incidents

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Bumagsak na rin sa kamay ng mga awtoridad ng Dasmariñas City, Cavite ang isang suspek sa tatlong insidente ng pamamaril, kabilang ang isa rito na ikinamatay ng dalawang katao sa General Trias City, nasamsam din ng mga pulis sa operasyon ang hinihinalang shabu at mga baril.

Kinilala ni Cavite Police Provincial Director Col. Ariel Red ang suspek na si Gabriel Mitimbang, alyas “Gab,” 33, na nakalista bilang No. 1 most wanted person sa regional at provincial levels. Batay sa police report, na dati nang natukoy si Mitimbang bilang suspek sa tatlong insidente ng pamamaril o may kaugnayan sa pagpatay na naitala noong 2017, 2018 at 2025.

Inaresto siya ng pulisya noong linggo sa Dasmariñas City, Cavite.

Dinakip si Mitimbang sa Dela Cuesta-Encabo Compound, Unit 1, Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City base sa bisa ng dalawang nakabinbing warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas noong Mayo 15, 2026 ng Regional Trial Court Branch 23 sa Trece Martires City, Cavite.

Nasamsam din sa operasyon ang tinatayang­ 5.76 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P39,168, isang Glock 9mm pistol, isang US Carbine Caliber .30 M1 rifle, mga magazine at 15 bala.

Sa insidente noong Mayo 5, 2025, kinilala sina Mitimbang at isang nangangalang Primo Bato Buce, alyas “Bornok,” bilang mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng dalawang katao sa Tropical Village, General Trias City.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with