3 LTO enforcers, 2 sibilyan tiklo sa extortion
BATANGAS, Philippines - Naaresto ang tatlong miyembro ng Land Transportation Office-Flying Squad at dalawang sibilyan sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation sa kasong extortion. Kinilala ni Special Investigator Benjamin Japlit, Jr. ng NBI-Calabarzon Regional Office, ang mga suspek na sina Bartolome Atienza, 52, Mermar Mercado, 35, Joseph Dilay, 42, pawang mga miyembro LTO-Batangas City District Office. Arestado din sina Redentor Silva, 45 at Felix Conducto, Jr., 29, kapwa miyembro ng Baklas Plaka group na nasa ilalim ng superbisyon ng LTO. Ayon sa report, nadakip ang mga suspek habang tumatanggap umano ng marked money sa complainant na si Adeodato M. Logrono, Jr.,Isang Senior NBI Agent at owner-proprietor ng AML Trucking Services sa Rosario, Pasig City. Bandang alas-2 ng hapon noong Abril 18 nang isagawa ang operation sa kahabaaan ng national highway, Brgy. Balagtas, Batangas City. Narekober mula kay Atienza na tumatayong lider ng grupo ang dalawang pirasong marked 500 pesos bill na may serial number na NJ 131921 & NM 756706. Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa (Article 294, Revised Penal Code, as amended Republic Act 3019) anti graft and corrupt practices act.
- Latest
- Trending