Bus nasunog sa uling
LUCENA CITY, Philippines – Dahil sa kargamentong uling nagliyab ang isang pampasaherong bus habang ito ay tumatahak sa kahabaan ng Maharika Highway na sakop ng Brgy. Domoit ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat ng pulisya dakong alas-7:30 ng gabi habang bumabagtas ang AB Liner Liner na may body number 51088 na patungong Cubao ay bigla na lamang sumiklab ang apoy mula sa baggage compartment nito.
Agad na inihinto ng driver na si Frederick Penaflorida ng Guinyangan, Quezon ang bus at mabilis na tumawag sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Batay sa pagsisiyasat ng BFP, lumalabas na nagningas ang kargang uling ng bus mula sa itinapong upos ng sigarilyo ng di pa tukoy na pasahero. Wala namang nasaktan sa nasabing insidente na tumagal lamang ng kalahating oras.
- Latest
- Trending