^

Probinsiya

Turista lunod sa Ifugao falls

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang Romanian tourist ang iniulat na nasawi matapos malunod sa tanyag na talon sa Barangay Batad, Banaue, Ifugao, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si George Sfintes, 23, ng Bucharest, Romania at sinasabing nalunod sa malalim na bahagi ng Tapia falls.

Napag-alaman na ang biktima kabilang ang iba pang turista ay nagtungo sa nasa­bing talon upang maligo noong Miyerkules Santo, subalit ang inaasahang masayang pamamasyal ay nauwi sa trahedya matapos malunod ang biktima nang magawi sa pinakama­lalim na bahagi ng falls.

Ayon kay P/Senior Supt. Laurence Mombael, Ifugao PNP director, ang bangkay ng biktima ay natagpuan ng rescue team noong umaga ng Sabado de Gloria.

Matatandaan na isa ring dayuhang 29-anyos na Koreano ang iniulat na nalunod sa nasabing falls matapos languyin ang malalim na bahagi ng talon.

Samantala, iginiit ng tanggapan ng Tourism ng Ifugao na lagi nilang pinapakiusapan ang mga turista na bumibisita sa nasabing falls na huwag lumangoy sa malalim na bahagi ng talon subalit ilan sa mga dayuhan ay hindi tumutugon sa kabila ng pa­nganib.

vuukle comment

AYON

BANAUE

BARANGAY BATAD

GEORGE SFINTES

IFUGAO

ISANG ROMANIAN

LAURENCE MOMBAEL

MIYERKULES SANTO

NUEVA VIZCAYA

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with