^

Probinsiya

Binata tinodas ng karibal

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Sinaksak at napatay ang 24-anyos na binata ng kanyang karibal sa pag-ibig kahapon ng madaling-araw sa Barangay Tabuc sa bayan ng Mobo, Masbate. Idineklarang patay sa Masbate Provincial Hospital ang biktimang si Romeo Donaire ng Barangay Marintoc habang nasakote naman ang suspek na si Louie Barruga, 20, drayber at nakatira sa Barangay Pinamarbuhan. Ayon sa pulisya, lumilitaw na nagkasuntukan na ang magkaribal sa idinaos na sayawan sa Barangay Umabay dahil malimit na isayaw ng biktima ang dalagang nililigawan ng suspek. Nabatid na nagkasuntukan pa ang dalawa sa sayawan kung saan napayapa naman ng ilang kalalakihan. Napag-alamang inabangan ng suspek ang biktimang papauwi at pagsapit sa madilim na bahagi ay inundayan ng saksak sa tiyan.

vuukle comment

ALBAY

AYON

BARANGAY MARINTOC

BARANGAY PINAMARBUHAN

BARANGAY TABUC

BARANGAY UMABAY

IDINEKLARANG

LOUIE BARRUGA

MASBATE PROVINCIAL HOSPITAL

ROMEO DONAIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with