^

Probinsiya

P10-M limas sa 3 pawnshop

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE ,Philippines  – Tinatayang aabot sa P10 milyong ari-arian ang nalimas matapos looban ng mga di-kilalang kalalakihan ang tatlong pawnshop sa Daet Elevated Plaza, Vinzons Avenue sa bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa hepe ng Scene of the Crime Operatives na si P/Chief Insp. Grace Gorospe,  kabilang sa mga pinasok at niloobang bahay-sanglaan ay ang Cariñosa Pawnshop, 14K at Nalisbitan Pawnshop na pag aari ni Oscar Aspe,  at ang Wiltran Pawnshop na pag aari naman ni William Tan.

Ayon sa ulat, nilooban ang tatlong pawnshop sa pamamagitan ng pagdaan sa masukal na imburnal mula sa Daet River patungo sa mga nabanggit na bahay-sanglaan.

Narekober naman ng pulisya ang tangke ng acetylene, ilang kahoy na pinaniniwalaang ginamit ng grupo sa pagnanakaw.

May palatandaan din mga minero ang nanloob sa tatlong pawnshop dahil sa estilo ng paghuhukay na sinasabing bihasa sa tunnel ng minahan.

vuukle comment

AYON

CAMARINES NORTE

DAET ELEVATED PLAZA

DAET RIVER

GRACE GOROSPE

NALISBITAN PAWNSHOP

OSCAR ASPE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

VINZONS AVENUE

WILLIAM TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with