^

Probinsiya

Stude bulagta sa ambush

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines - Sabog ang ulo at mukha ng 18-anyos na estudyante matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Bocohan, Lucena City, Quezon kahapon ng umaga. Tatlong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Anjo Ramos, 2nd year sa Inter Global Maritime College, ng Barangay Aluneros, Guinyangan, Quezon. Sa inisyal na imbestigasyon nina PO2 Jefferson Tamaray at PO2 Randy Buenaventura, naglalakad ang biktima papasok sa eskwelahan kasama ang dalawang kaklase nang ratratin. Nang bumagsak ang biktima ay nilapitan pa ito at tatlong beses pang pinaputukan sa ulo at mukha bago tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo. Hindi naman sinaktan ang dalawang kaklase ng biktima na halos natulala sa sinapit ng estudyante.

ANJO RAMOS

BARANGAY ALUNEROS

BARANGAY BOCOHAN

GUINYANGAN

INTER GLOBAL MARITIME COLLEGE

JEFFERSON TAMARAY

LUCENA CITY

NANG

QUEZON

RANDY BUENAVENTURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with