^

Probinsiya

Bus sinunog ng NPA rebels

- Ni Ed Casulla -

Legazpi City ,Philippines – Sinunog ng mga armadong miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang pampasaherong bus sa naganap na karahasan sa kahabaan ng highway ng Brgy. Cagbacong sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

 Ayon kay Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Angelo Guzman, pasado alas -7:30 ng gabi  ng maganap ang panununog ng mga rebelde sa isang Silver Star bus na galing Bulan, Sorsogon na biyaheng Maynila.

 Sinabi ng opisyal na ilan sa mga rebelde ay nagpanggap na pasahero ng bus  na sumakay sa stopover sa terminal nito sa Sorsogon City kung saan pagsapit sa pagitan ng Brgy. Cumadcad at Sogoy  sa bayan ng Castilla, Sorsogon ay inilabas ang kanilang mga baril at nagpakilalang mga NPA.

 Inatasan  ng mga rebelde ang driver ng bus na dalhin ang behikulo sa Brgy. Cabagcong at dito’y naglabasan ang iba pa nilang mga armadong kasamahan na nagtatago sa masukal na bahagi sa tabi ng highway.

 Agad ng mga itong pinababa ang mga pasahero saka driver at konduktor saka binuhusan ng gasolina ang bus hanggang sa magliyab at maabo. Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na pangingikil ng revolutionary tax ang motibo ng panununog. 

vuukle comment

BRGY

INFANTRY DIVISION

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

SILVER STAR

SORSOGON

SORSOGON CITY

SPOKESMAN MAJOR ANGELO GUZMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with