Ex-brgy. chief binaril sa pag-awat
CAMP SIMEON OLA, Legaspi City, Philippines —Isang dating barangay chairman na nagtangkang awatin ang naghuhuramentado ang nabaril at malubhang nasugatan kamakalawa ng gabi sa barangay Real, Monreal, Masbate.
Nakilala ang biktima na si Freddie Yusi, 42 anyos at nakatira sa barangay Famosa, Monreal. Tumakas naman ang suspek na si Dante Rebadeo.
Ayon sa ulat, lasing ang suspek at biglang nagwala sa tapat ng bahay ni Councilor Nicolas Alcantara bandang alas-10:00 kamakalawa ng gabi at naghahamon ng barilan sa konsehal hanggang sa tangkang awatin ito ng biktima pero siya ang binaril ng suspek.
- Latest
- Trending