^

Probinsiya

Ex-Gapan Mayor sinabit sa murder

-

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng resolusyon ang Office of the Ombudsman na nagsasangkot sa dating Gapan City mayor na si Ernesto L. Natividad at dalawang iba pa na sina Romeo Natividad at Ricardo Peralta sa kasong pagpatay.

Sa naturang resolusyon, pinanigan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang isang mosyon ng nagrereklamong si Cristina D. Pascual, residente ng San Vicente, Gapan City, na humihingi sa pagbasura sa isang nauna nang kautusan ng tanggapan na may petsang Abril 8, 2009.

Dahil dito, iniutos ni Ombudsman Morales na agad na isama sa  Information for murder sina Natividad, Romeo, at Peralta.

Aprubado rin at muling pinagtibay ng Ombudsman ang Supplemental Resolution ng Department of Justice na may petsang Agosto 21, 2007 at Review Action ng kanyang tanggapan na may petsang Pebrero 10, 2009.

Iginigiit ng mga respondent na dapat patunayang “beyond reasonable doubt” ang pagsasangkot sa kanila sa kasong pagpatay.

Subalit sinopla ng resolusyon ni Morales ang iginigiit ng mga respondent.

Aniya, hindi okasyon ang preliminary investigation para patunayan ang“guilt,” tanging “probable cause” lamang ang hinahanap dito.

Nakasaad sa resolusyon na sa paglilitis lamang masasala ang testimonya at kredibilidad ng mga saksi.

Mababatid din sa resolusyon na ang preliminary investigation ay pag-alam lamang sa pangkalahatan at madalas na ito lamang ang tanging paraan para malaman kung sinu-sino ang ihahabla sa krimen ng nakatokang taga-usig ng estado.

Matatandaan na nangyari ang pagpatay sa isang sabu­ngan sa nasabing siyudad ilang taon na ang nakararaan at karamihan sa mga respondent ay naroon mismo at positibong itinuro ng ilang saksi.

CRISTINA D

DEPARTMENT OF JUSTICE

ERNESTO L

GAPAN CITY

NATIVIDAD

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

OMBUDSMAN MORALES

REVIEW ACTION

RICARDO PERALTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with