^

Probinsiya

OFW nag-suicide sa hotel

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Pinaniniwalaang may problema sa kabuhayan ang isang 47-anyos na overseas Filipino workers (OFW) kaya nagdesisyong mag-suicide sa loob ng hotel sa MacArthur Highway sa Barangay Burol 1st sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Genaro De Ocampo ng Iba Street, Brgy. La Loma, Quezon City. Sa imbestigasyon ni PO2 Richard Lagman, lumilitaw na nag-check-in mag-isa ang biktima sa Peaches and Cream Lodge kamakalawa ng gabi kung saan ipinarada nito ang kanyang kotse (URU 963) sa bakanteng lote. Kahapon nang katukin ng roomboy ang kuwarto ay walang sumasagot kaya napilitang buksan para usisain subalit bumulaga ang nakahandusay na katawan ng biktima sa kama at bumubula ang bibig. Narekober ng pulisya ang suicide note at botelya ng lason na sinasabing nilaklak ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BALAGTAS

BARANGAY BUROL

BRGY

BULACAN

GENARO DE OCAMPO

IBA STREET

LA LOMA

PEACHES AND CREAM LODGE

QUEZON CITY

RICHARD LAGMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with