Anak inutas ng ama
NUEVA ECIJA ,Philippines – Napaslang ng ama ang sariling anak na lalaki matapos saksakin sa inuman sa Barangay Cabawangan sa bayan ng Nampicuan, Nueva Ecija noong Linggo ng hapon.
Idineklarang patay sa ospital sa bayan ng Paniqui, Tarlac ang biktimang si Michael Pascua, 31, tricycle driver at nakatira sa Barangay Maligaya.
Sumuko naman ang suspek na si Eduardo Pascual, 54. Nabatid sa ulat na dakong alas-3:30 ng hapon, katatapos lang mag-inuman ng mag-ama nang magsimulang magtalo kung saan binasag pa ng biktima ang tail light ng motorsiklo ng kanyang ama.
Dito na inundayan ng saksak ng suspek ang kanyang anak.
- Latest
- Trending