Riding-in- tandem pinabulagta
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ng magbayaw ang riding-in-tandem na sinasabing bumaril at nakapatay sa isang magsasaka sa Barangay Holy Friday sa bayan ng Mallig, Isabela kahapon.
Kinilala ang mga napatay na sina Eduardo Abad at Raymundo Barroga na dating Cafgu. Nabatid na hinabol ng magbayaw na sina Agustin at Cesar dela Cruz na lulan ng traysikel ang riding-in-tandem tandem kung saan inabutan nila ito sa Barangay Holy Friday.
Naunang binaril at napatay nina Abad at Barroga ang biktimang si Romeo Guarzon habang ito ay nag-aararo sa Barangay Maligaya sa nasabing barangay. Narekober sa mga napatay ang dalawang baril na sinasabing ginamit sa pagpatay kay Guarzon. Raymund Catindig at Victor Martin
- Latest
- Trending