^

Probinsiya

1,000 lumahok sa 5k run ng PNRC

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines —  Matagumpay na nailunsad ni First Lady Josie Tallado ang programang Run for Humanity ng Philippine National Red Cross-Camarines Norte chapter na pinasimulan sa harapan ng kapitolyo kahapon ng umaga sa bayan ng Daet. Bandang alas-7 ng umaga ibinigay ang hudyat ni Camarines Norte Governor Edgardo “Egay”  Tallado para simulan ang 5 kilometrong fun run patungong Bagasbas Beach kung saan umaabot sa 1,000 katao ang lumahok. Kabilang sa mga lumahok ay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, kapulisan, sundalo ng Phil. Army,  BFP, estudyante, fraternities at civic groups kabilang si Daet Mayor Tito Sarion.  Bagamat bumuhos ang malakas na ulan ay hindi natinag ang mga kalahok hanggang sa makarating sa finish line sa harapan ng Bagasbas Beach.  Nabatid na pinakamaraming lumahok sa Run for Humanity ang Camarines Norte batay sa nakalap na impormasyon ng PNRC. Ikinagalak naman ng Chairwoman Tallado ang pagkakaisa ng taumbayan sa pagnanais na may maibahaging tulong  sa mga na­ngangailangan ng dugo at sa makasaysayang okasyon ng Philippine National Red Cross ang International Years of Volunteers. 

vuukle comment

BAGASBAS BEACH

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO

CHAIRWOMAN TALLADO

DAET MAYOR TITO SARION

FIRST LADY JOSIE TALLADO

INTERNATIONAL YEARS OF VOLUNTEERS

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS-CAMARINES NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with