^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa negosyanteng tsinoy, kasambahay timbog

- Randy Datu -

OLONGAPO CITY, Philippines  – Hindi nagtagal ang kalayaan ng isang lalake na itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa isang negosyanteng Intsik at kasambahay nito nang maaresto ito sa burol ng huli sa Barangay Baretto, lungsod na ito.

Ayon kay P/Chief Insp. Cesar Cabling, hepe ng Olongapo City Police Office Station 1, kinilala ang suspek bilang si Danilo Arlita, 42, tubong-Barangay San Jose, Northern Samar.

Nabatid na si Arlita ay pangunahing suspek sa pagpatay kina Leon Ong, 50, may-ari ng Zambales Hardware sa 45-18th St., East Bajac-Bajac, Olongapo City; at kasambahay na si Lanie Guererro, na asawa ng suspek.

Sa imbestigasyon, na­niniwala ang pulisya na selos ang nagbunsod sa suspek upang patayin ang mga biktima dahil may hinala ito na may relasyon sina Ong at Guererro, lalo pa’t isang stay-in maid ang babae at ang pamilya naman ni Ong ay nasa Maynila.

Bago umano ang insi­dente, ayon sa mga saksi, pinuntahan ni Arlita ang asawa sa apartment ni Ong upang himuking umuwi muna sa kanilang bahay, bagay na tinanggihan ng babae. Ito umano ang posibleng naging dahilan upang sumidhi ang pagseselos ng suspek.

Dakong alas-3:30 ng madaling -araw noong Nob­yembre 22 nang marinig ang lakas na pagsigaw ni Guererro mula sa apartment ni Ong at nang magsiyasat ang pulisya ay nadiskubre ang walang buhay na mga biktima. Wala umanong nawalang gamit ang negosyante kaya inalis ang teorya ng pagnanakaw.

Dahil naman sa konsensya, tinangkang sumilip ng suspek sa burol ng asawa sa Barangay Baretto upang humingi ng tawad ngunit naroon na rin ang mga undercover na pulis na umaresto dito.

vuukle comment

ARLITA

BARANGAY BARETTO

BARANGAY SAN JOSE

CESAR CABLING

CHIEF INSP

DANILO ARLITA

EAST BAJAC-BAJAC

GUERERRO

LANIE GUERERRO

ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with