^

Probinsiya

Nang-agaw ng baril itinumba

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines  – Napatay ang isang 25-anyos na lalaki na isinasangkot sa iba’t ibang kasong kriminal makaraang mabaril sa loob ng patrol car dahil sa pang-aagaw ng baril ng pulisya sa Barangay Masalong sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Roberto Fajardo, nabatid na ihahatid sana ng mga operatiba ng pulisya ang akusadong si Jhobelle Romobio sa Bulacan Regional Trial Court Branch 19 para litisin sa kasong robbery with homicide nang mang-agaw ito ng baril. Dito na nagpambuno sina PO2 Francis Obusan at Romobio sa loob ng patrol car kung saan napilitang barilin ni P/Chief Insp. Cesar Gerente ang akusado para hindi na makapanakit ng ibang kasamahang pulis. Si Romobio na nakatira sa Brgy. Calaburnay, Paracale, Camarines Norte ay nahaharap din sa kasong frustrated murder sa sala ni Judge Roberto Escaro ng Daet RTC Branch 39.

BARANGAY MASALONG

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

CAMARINES NORTE

CESAR GERENTE

CHIEF INSP

FRANCIS OBUSAN

JHOBELLE ROMOBIO

JUDGE ROBERTO ESCARO

ROBERTO FAJARDO

SENIOR SUPT

SI ROMOBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with