^

Probinsiya

2 rapist arestado

- Ni Boy Cruz -

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Dalawang kalalakihan ang kapwa naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa mga lugar dito kahapon makaraang ireklamo ang mga ito na dalawang dalagang biktima na kanilang ginahasa. Kapwa luhaang dumulog sa tanggapan ni P/Chief Insp. Alfonso Cruz kasama ang kani-kanilang kamag-anak ang 18-anyos na residente ng Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Guiguinto at isang 19-anyos na residente naman ng Brgy. Dalig sa bayang ito habang agad namang sinampahan ng kasong Rape ang mga suspek na sina Juan Carlo Regalario 21, traysikel drayber, residente ng Brgy.Panginay at Ariston Manuel 41, taxi drayber, residente naman ng Brgy. Dalig pawang sa bayang ito. Ayon sa salaysay ng 18-anyos na biktima kay P/Insp. Susan Cullamco dakong alas-12:00 ng madaling araw ay kinontrata nito ang drayber na si Regalario upang ihatid sa kanilang bahay ngunit sa halip na iuwi ito ay dinala sa isang bahay ng kaibigan ng suspek sa isang lugar sa Brgy. Panginay saka pwersahang ginahasa at iniwan na na­ging dahilan upang agad na isumbong sa kanyang tiyuhin na nakatira malapit sa naturang lugar ang pangyayari. Samantala dakong alas-4:45 naman ng hapon habang nasa loob ng kanilang bahay ang isa pang biktima na nuo’y nag-aayos na gawaing bahay ng biglang dumating ang suspek na kinakasama ng kanyang ina at lango sa alak. Nang makita ang biktima ay agad itong inihiga saka ipinasok ang daliri sa maselang parte ng biktima ngunit naudlot lamang ang insidente ng biglang pumasok sa bahay ang tiyahin nitong si Imelda Magno, 46 na naging dahilan upang isuplong na ito sa pulisya.

vuukle comment

ALFONSO CRUZ

ARISTON MANUEL

AYON

BRGY

CHIEF INSP

DALIG

IMELDA MAGNO

JUAN CARLO REGALARIO

PANGINAY

SUSAN CULLAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with