^

Probinsiya

Zantua drug group nalansag

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines   —   Nabuwag ng mga awtoridad ang notoryus na Zantua drug group na nag-o-operate sa lalawigan ng Camarines Norte kasunod sa pagkakaaresto sa lider nito at mga kasamahan sa grupo sa raid sa Zone 3, Hollywood, Purok 7, Brgy. 5, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni P/Sr. Supt. Roberto Fajardo, Camarines Norte Police Provincial Director ang nahuling suspek na sina Arnold Zantua, 41-anyos, isang sales agent, asawang si Gina Zantua, 36, negosyante at si Iluminado Zantua, 70-anyos, biyudo isang watch-repairman na pawang mga residente ng nasabing lugar. Sa press conference, sinabi ni Fajardo si Arnold Zantua ay lider ng Zantua drug group. Nabatid pa na ang modus operandi ng grupo ay sa pamamagitan ng text message at  sa halip na pera ang pambayad sa pagbili ng droga, karamihan  sa kostumer  ng suspek ay tumatanggap ng kapalit na baril,  imported na alak, pana­bong na manok o mamahaling cell phone. Nasamsam sa operasyon ang isang granada,  isang kalibre 38 baril,  2 cal. 45 pistol,  isang revolber  na converted sa bala ng ar­malite, 30 pirasong ibat-ibang bala, airgun,  shabu na tumitimbang ng 19.2 na gramo at iba pa.

vuukle comment

ARNOLD ZANTUA

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

DAET

GINA ZANTUA

ILUMINADO ZANTUA

ROBERTO FAJARDO

SR. SUPT

ZANTUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with