^

Probinsiya

3 'sinalvage' sa subdivision

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna ,Philippines  – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang nagtutulak ng bawal na droga ang pinagsasaksak at pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng subdivision sa bayan ng Biñan, Laguna noong Linggo ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna police director ang dalawa sa tatlong sinalvage na sina Michael “Daga” De Ramos at Unyo “Buwaya” Carillo.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang tatlong bangkay ng lalaki na pawang may mga saksak at tama ng bala ng baril habang nasa loob ng bahay sa Maribel Subdivision sa Barangay Canlalay.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may palantandaang pinahirapan muna ang mga biktima saka binigti at binusalan pa ang mga bibig nito.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Temi Insorio na sinasabing res­ponsable sa krimen.

Narekober ang mga plas­tic sachet ng shabu, granada at mga bala ng baril. Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang motibo ng pagpatay sa tatlo.

vuukle comment

BARANGAY CANLALAY

BATAY

BUWAYA

DE RAMOS

GILBERT CRUZ

MARIBEL SUBDIVISION

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SENIOR SUPT

TEMI INSORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with