^

Probinsiya

Bahay ng ex-con, ginawang armory

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines      — Bumagsak sa kamay ng Provincial Anti-Crime Task Force na binuo ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado katuwang ang Camarines Norte Provincial Public Safety Company (CNPPSC),  PNP Provincial Intelligence Section ang isang ex-convict na nahulihan ng mga matataas na kalibre ng baril, bala at granada sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa.

 Sa ulat na ipinadala ni PNP Provincial Director, P/Sr. Supt. Roberto Fajardo, kay Tallado, naglabas ng warrant of arrest si Judge Roberto Escaro ng RTC branch 38 – Daet upang halughugin ang bahay ni Mario Gadil, 37, may asawa, at residente ng Purok 2 Brgy. Tabas, Paracale, Camarines Norte.

Nabatid na ilang impormasyon na rin ang kanilang natanggap na nag-iingat ng ilang matataas na kalibre ng baril ang suspek.

Sa pangunguna ni P/Chief  Insp. Bernardo Marzal, commanding officer ng CNPPSC, sinalakay ang bahay ni Gadil kung saan nakuha ang isang Colt M-16 armalite rifle, caliber 45 MIV, cali­ber .357 Smith and Wesson at limang bala, isang granada, 80 pirasong bala ng M16, isang magazine ng M16; 13 bala ng cal. 30 machine gun at 3 bala ng cal. 45.  

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at kasalukuyang nakakulong sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr.

Isinasagawa din ng mga awtoridad ang imbestigas­yon upang malaman kung sangkot ang suspek sa mga insidente ng holdapan sa lalawigan.

Ang pagkakahuli sa suspek ay bunsod ng ma­lawakang kampanya laban sa loose firearms and ammunition ng PNP at ni Tallado bilang Regional Peace and Order Council chairman sa Bicol Region. 

BERNARDO MARZAL

BICOL REGION

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

CAMARINES NORTE PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

CAMP WENCESLAO Q

COLT M

JUDGE ROBERTO ESCARO

MARIO GADIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with