^

Probinsiya

3 Abu Sayyaf bulagta sa military

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Napaslang ang tatlong bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos sumiklab ang sagupaan laban sa tropa ng military sa liblib na bahagi sa bayan ng Su­misip, Basilan, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Regional Army chief Lt. Gen. Arturo Ortiz. isang sundalo rin ang na­sugatan sa engkwentro na naganap sa bisinidad ng Barangay Etub-Etub.

Lumilitaw na nagsasagawa ng security operation ang tropa ng 12th at 14th Scout Ranger Battalion nang maispatan ang grupo ng mga bandido kung saan sumiklab ang bakbakan.

Tumagal ng 30-minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at grupo nina Abdulbaki Ismanul alyas Kumander Sahili, at Nurrodin Mudalam alyas Kumander Not.

Kaagad naman tumakas ang grupo ng mga bandido sakay ng tatlong motorized banca patungo sa direksyon ng Isla ng Saluping sa bayan ng Tabuan Lasa, Basilan.

Narekober ng encounter site ang tatlong bangkay ng Abu Sayyaf at dalawang M16 Armalite Rifles habang patuloy naman ang pagtugis sa nalalabing grupo ng Sayyaf.

ABDULBAKI ISMANUL

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ARMALITE RIFLES

ARTURO ORTIZ

BARANGAY ETUB-ETUB

BASILAN

KUMANDER NOT

KUMANDER SAHILI

NURRODIN MUDALAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with