20 NPA sugatan sa military attack
MANILA, Philippines - Aabot sa 20 rebeldeng New People’s Army ang iniulat na nasugatan kabilang ang dalawa sa limang nasakote makaraang salakayin ng tropa ng Philippine Army ang pinagkukutaan ng mga rebelde sa kagubatan ng Barangay Aragon sa bayan ng Cateel, Davao Oriental noong Sabado ng madaling-araw.
Kinilala ni Army Chief Lt. Gen. Arthur Ortiz ang ilan sa mga nasakoteng NPA na sina Roel "Ka Fel" Albarca, Jomar "Ka Teddy" Balagulan, Rosalie "Ka Abby" Rosales na kapwa miyembro ng NPA Timbaking Squad Segunda; Ryan "Ka Boboy" Ombaogan at si Ramilo Peroy Jr.
Nabatid na nasorpresa ang mga rebelde na kasalukuyang nag-aalmusal nang salakayin ng tropa ng 4th Scout Ranger Company.
Base sa impormasyong ipinarating ng mga ground commander, aabot sa 20 rebelde ang nasugatan sa nasabing operasyon kung saan grabe ang kalagayan ng ilan sa mga ito.
- Latest
- Trending