^

Probinsiya

Bus vs truck: 32 sugatan

-

BATANGAS, Philippines  – Umaabot sa 32-katao ang nasugatan kabilang ang tatlong nasa kritikal na kalagayan matapos magsalpukan ang pampasehong bus at trailer truck head sa kahabaan ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) kamakalawa ng tanghali. Ayon kay Star tollway security chief Carlito America, kabilang sa malubhang nasugatan ay ang bus driver na si Joselito Ramos, pasaherong si Reynaldo Macalalad at ang truck helper na si Elmer Pae. Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng Ceres Bus (DXU-903) ang kahabaan ng Star Tollway nang salubungin ng trailer truck (TYS-350) ni Cherry Vapor sa KM 88 Barangay Lapu-lapu, San Jose, Batangas bandang alas-12:08 ng tanghali. Nabatid na nag-overtake ang truck sa sinusundang sasakyan kaya inakupa nito ang kabilang linya hanggang sa maganap ang sakuna. Isinugod sa Mary Mediatrix Hospital, Lipa Medix at San Jose District Hospital ang mga sugatan habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa truck driver.

BARANGAY LAPU

CARLITO AMERICA

CERES BUS

CHERRY VAPOR

ELMER PAE

JOSELITO RAMOS

LIPA MEDIX

MARY MEDIATRIX HOSPITAL

REYNALDO MACALALAD

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with