^

Probinsiya

2 NPA bulagta sa militar

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang rebeldeng New People’s Army matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo kahapon ng umaga sa Brgy. Lahug sa bayan ng Tapaz, Capiz. Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz, bandang alas-8:20 ng umaga nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng  Army’s 61th Infantry Battalion at ng grupo ng mga rebelde na pinamumunuan ni Francisco Balaois alyas Ka Tonying ng NPA Central Front, Komiteng Rehiyon ng Panay. Tumagal ang bakbakan ng ilang minuto kung saan nagsitakas ang mga rebelde bitbit ang mga sugatan at base sa intelligence report ay binawian ng buhay ang dalawa kabilang ang isang amasona. Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa panig ng militar. Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang dalawang M16 Armalite Rifle, airgun, sako ng ammonium nitrate, 32 empty cans ng improvised explosive device, dalawang galon ng gasolina, 10 backpacks at mga subersibong dokumento.

vuukle comment

ARMALITE RIFLE

ARMY CHIEF LT

ARTURO ORTIZ

AYON

CENTRAL FRONT

FRANCISCO BALAOIS

INFANTRY BATTALION

KA TONYING

KOMITENG REHIYON

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with