^

Probinsiya

Midwife pupugutan kapag walang P15M ransom

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P15 milyong ransom ang hinihingi ng mga armadong grupo ng Abu Sayyaf kapalit ng pagpapalaya sa dinukot na 57-anyos na midwife sa bayan ng Indanan, Sulu noong Miyerkules.

Kasabay nito, nagbanta ang grupo na pupugutan ng ulo ang bihag na si Evangeline Taverisma ng Barangay Asturlas, Jolo, Sulu kapag nabigo ang pamilya nito na magbayad ng ransom.

Batay sa ulat, ang nasabing demand ay ipinarating ng mga kidnaper kay ARMM Regional  Health  Secretary Kha­dil Sinolindeng.

Nabatid na palipat-lipat ng taguan sina Sayyaf Commander Palu at Nasir Timbang sa biktimang asawa ng retiradong sundalo ng Philippine Army.

Patuloy naman ang search and res­cue operations sa nalalabi pang kid­nap victim bukod kay Taverisma ay kinabibilangan pa ng 2 tripulante ng Mega fishing, isang Malaysian trader na si Mohd Nazarudin Saridin na binihag noong Mayo at isa ring negosyanteng Bumbay na si Biju Kolara Veetil na dinukot naman noong Hunyo.

ABU SAYYAF

BARANGAY ASTURLAS

BIJU KOLARA VEETIL

MOHD NAZARUDIN SARIDIN

NASIR TIMBANG

PHILIPPINE ARMY

SAYYAF COMMANDER

SECRETARY KHA

TAVERISMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with