^

Probinsiya

Managing director, dedo sa ‘hit-and-run’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL , Philippines —  Isang managing director ang nasawi habang sugatan ang isang delivery rider nang mahagip ng isang elf truck ang sinasakyan nilang mga motorsiklo sa Antipolo City, kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa Antipolo Annex Mambugan Hospital ang biktimang si Lesley Tuazon, 47, managing director, at residente ng Pasig City bunsod ng matinding pinsala sa ulo at katawan habang sugatan ngunit ligtas na sa kapahamakan ang Joy Ride rider na si Chel Jone Merino, 28.

Samantala, pinag­hahanap na ng mga awtoridad ang ‘di pa kilalang driver ng isang elf dropside vehicle na hindi naplakahan at mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Dakong alas-11:30 ng tanghali nang maga­nap ang insidente sa Marcos Highway, malapit sa Joy Ride Office, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, binabagtas ni Tuazon ang inner lane ng naturang lugar, lulan ng pulang Ducati big bike (818 UXQ), mula Sta. Lucia patungong direksiyon ng Masinag. Kasabay niya si Merino, na noon ay sakay naman ng isang titan brown Yamaha Sniper motorcycle (386QKT).

Gayunman, pagsapit sa naturang lugar ay bahagya umanong kumabig pakanan ang elf truck, sa ikalawang linya ng kalsada, at dito na nahagip ang mga motorsiklo ng mga biktima. Nawalan ng kontrol ang mga rider sa kanilang motorsiklo at kapwa sumemplang sa kalsada.

Sa halip namang hintuan at tulungan ng truck driver ang mga biktima, mabilis siyang humarurot palayo sa lugar.

LESLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with