3 grinipuhan sa karinderya
BATANGAS, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasugatan matapos mapagtripang pagsasaksakin ng isang 17-anyos na lalaki sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay San Miguel sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas noong Sabado ng madaling-araw. Naisugod sa Sto. Tomas General Hospital ang mga biktimang sina Leoncio Pedelino, 21, truck helper, ng Malinao Ibaba, Atimonan, Quezon; Argel Joseph Delos Santos, 21, truck helper, ng Lopez Quezon; at si Serafin Lagamot, 17, ng Atimonan, Quezon. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Rico ng Purok Bisaya sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na magkakasamang kumakain sa Dina’s canteen nang magkakasunod na saksakin ng suspek.
- Latest
- Trending