^

Probinsiya

Sekyu, mister nagbigti

- Nila Francis Elevado at Ed Casulla -

MANILA, Philippines - Isang security guard at mister na hiniwalayan ng kanilang mga misis ang nagpakamatay sa pamama­magitan ng pagbigti sa magkahiwalay na lalawigan.

Nakabitin sa puno ng mangga sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Zone 2, Brgy. San Felipe, Naga City, Camarines Sur ang biktimang si Lorenzo Macaraig, 54, ng Brgy. Balatas, Naga City kamakalawa ng hapon.

Nadiskubre dakong alas-11 ang bangkay ng biktima na nakalambitin nang hanapin na ito ng mga trabahador at supervisor upang mag time in na sa kanilang trabaho.

Samantala, posibleng dinamdam naman ni Nestor Cantoria, 56, ng Brgy. Bagahanglad, San Jacinto, Masbate ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis kamakailan kung kaya’t ipinasya nitong mag-suicide. Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang kapitbahay na si Lindo Oraa, dakong alas-7 ng umaga.

Ayon kay Oraa, dina­anan niya ang biktima upang manguha ng kahoy su­balit laking gulat niya nang makita ang sitwasyon ng kaibigan. Sinabi ni Oraa na naging malulungkutin ang biktima sa mga nakalipas na araw bago ito magpakamatay.

BRGY

CAMARINES SUR

LINDO ORAA

LORENZO MACARAIG

NAGA CITY

NESTOR CANTORIA

ORAA

SAN FELIPE

SAN JACINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with