^

Probinsiya

Lalaking nangreyp ng nobya, arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nangreyp ng nobya, arestado
Hawak na ng CIDG-Catanduanes Provincial Unit ang suspek na kinilalang si alyas “Sid”, residente ng Brgy. Gandus, Mexico, Pampanga, na may kinakaharap na 3-counts of rape na isinampa mismo ng kanyang naging kasintahan sa Virac Regional Trial Court makaraang abusuhin nito ang biktima sa Brgy. Tucao, Caramoran, Catanduanes noong ­Hunyo 21,2020.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Arestado na ang itinuturing na No.6 regional most wanted person (MWP) ng Bicol Police dahil sa Makailang ulit na panggagahasa nito sa kanyang nobya sa Caramoran, Catan­duanes matapos matunton ang pinagtataguan ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Brgy. Pandan, Angeles City, Pampanga kamakalawa ng umaga.

Hawak na ng CIDG-Catanduanes Provincial Unit ang suspek na kinilalang si alyas “Sid”, residente ng Brgy. Gandus, Mexico, Pampanga, na may kinakaharap na 3-counts of rape na isinampa mismo ng kanyang naging kasintahan sa Virac Regional Trial Court makaraang abusuhin nito ang biktima sa Brgy. Tucao, Caramoran, Catanduanes noong ­Hunyo 21,2020.

Ayon kay Major Joven Osurman, provincial officer ng CIDG-Catan­duanes Field Unit katuwang ang mga tauhan ng San Narciso Municipal Police Station, Zambales Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit 5, Catanduanes-PNP Maritime Law Enforcement Team, Bato at Caramoran Police, at Regional Mobile Force Battalion 5, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ng korte at sa ilalim ng “Oplan:Pagtutugis” dakong alas-9:45 ng ­umaga ay sinalakay nila ang kina­roroonan ng suspek na anim na taong nagtago.

Hindi na nakapalag ang naturang regional MWP nang silbihan siya ng pulisya ng warrant of arrest.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with