^

Probinsiya

19-anyos ‘adik’ inginuso ng ina, arestado

Artemio A.Dumlao - Pilipino Star Ngayon
19-anyos ‘adik’ inginuso ng ina, arestado
Ayon kay Maj. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, dakong alas-6:50 ng gabi noong Oktubre 13 nang rumes­ponde ang mga pulis sa natanggap na sumbong.
STAR / File

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Isinuplong ng sariling ina sa pulisya ang kanyang 19-anyos na anak na umano’y gumagamit ng shabu sa isang barung-barong sanhi ng kanyang pagkakaaresto sa Barangay Ipil, Tabuk City, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay Maj. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga Police Provincial Office, dakong alas-6:50 ng gabi noong Oktubre 13 nang rumes­ponde ang mga pulis sa natanggap na sumbong.

 Naaktuhan umano ng ina ang kanyang anak na karpintero habang gumagamit ng hinihina­lang shabu malapit sa kanilang tirahan.

Agad na humingi ng tulong ang ina sa isang pulis na kanilang kamag-anak, dahilan upang rumes­ponde ang mga tauhan ng Tabuk City Police.

Itinuro mismo ng ginang sa mga awtoridad ang barung-barong kung saan umano naaktuhang gumagamit ng ilegal na droga ang kanyang anak.

Nadatnan ang dispel at nakumpiska rito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nasa 1.75 gramo, at mga drug paraphernalia.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya sa Tabuk City para sa dokumentasyon at p­aghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with