^

Probinsiya

Ginahasa ng kalaro

- Ni Tony Sandoval -

SAMPALOC, Quezon, Philippines — Isang 10-taong gulang na batang babae ang nawasak ang kinabukasan matapos itong gahasain ng kanyang kalarong lalaki kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion ng bayang ito. Sinabi ng biktimang itinago sa pangalang Trixie na inaya siyang maglaro ng bahay-bahayan ng kanyang kaibigang lalaki na itinago sa pangalang Boy na 14-anyos naman. Batay sa salaysay ng biktima sa Womens and Children Protection Desk, naganap umano ang panggagahasa sa kanya dakong alas-5 ng hapon habang naglalaro sila ng suspek. Hindi umano inakala ng biktima na pagsasamantalahan siya dahil ang pag-aakala niya ay maglalaro lamang sila ng bahay-bahayan pero ginahasa na siya nito. Nasa pangangalaga ngayon ng MSWD ang suspek habang ang biktima ay kinakalinga ng kanyang mga magulang na pansamantalang nakakaranas ng trauma.

vuukle comment

BAHAY

BARANGAY POBLACION

BATAY

BIKTIMA

ISANG

KANYANG

QUEZON

SINABI

TRIXIE

WOMENS AND CHILDREN PROTECTION DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with