^

Probinsiya

Sundalong rider sinuwag ng bus, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sundalong rider sinuwag ng bus, patay!
Kinilala ang nasawing biktima na si Private First Class John Leo Sal­dua, 33 taong gulang, ng Bago City, nakatalaga sa Army’s 15th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Cauayan ng lalawigang ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang sundalo makaraang aksidenteng suwagin ng kasalubong na bus ang minamanehong motorsiklo ng biktima  sa Crossing ng highway sa  Brgy. Mana­lad, Ilog, Negros Occidental nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing biktima na si Private First Class John Leo Sal­dua, 33 taong gulang, ng Bago City, nakatalaga sa Army’s 15th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Cauayan ng lalawigang ito.

Sa report ng Neg­ros Occidental Police, nangyari ang malagim na sakuna habang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo papasok sa trabaho.

Bandang alas-6:30 ng umaga habang bumabaybay sa may bahagi  ng Crossing sa nasabing Barangay ang motorsiklo ng biktima ng aksidente itong mahagip ng kasalubong na bus  ng Ceres Liner.

Sa lakas ng pagkakabangga, pumailalim pa ang biktima sa nasabing bus kung saan nagtamo ito ng matinding sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng kaniyang ulo na siya nitong dagliang ikinasawi.

Sa pahayag ng mga nakasaksi, masyadong matulin ang pagpapatakbo ng motorsiklo ng biktima kung saan nawalan ito ng kontrol sa manibela at nabigo nang maiwasan ang kasalubong na bus sanhi ng salpukan.

Wala namang nasugatan sa mga pasahero ng bus, habang inaresto ang driver ng bus.

vuukle comment

MANALAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with