^

Probinsiya

Traffic enforcer inararo ng sinitang bus, patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Traffic enforcer inararo ng sinitang bus, patay!
Agad nasawi ang traffic enforcer na si Alfredo Datoon nang magkalasug-lasog ang katawan at naputol pa ang kanyang isang paa matapos sagasaan ng pampasaherong bus na kanyang si­nita sa Dasmariñas City, Cavite nitong Huwebes ng hapon.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines —Nalasog ang katawan ng isang traffic enforcer matapos masagasaan ng sinita nitong pampasaherong bus sa tapat ng isang mall sa Pala-Pala, Aguinaldo Highway, Brgy. Sampaloc 1, Dasmarin?as City, nitong Huwebes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-2 ng hapon, kasalukuyang nagpapatupad ng batas trapiko ang biktimang kinilalang si Alfredo Datoon, miyembro ng Traffic Management Unit ng nasabing lungsod, nang sitahin nito ang Erjohn & Almark passenger bus na may plate number UWN 117 at minamaneho ng suspek na si Rollie Vergara, nasa hustong gulang, residente ng Brgy Galicia 2, Mendez, Cavite.

Sinita umano ito ng biktima matapos na magsakay sa “No Loading Zone”

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng naturang traffic enforcer at driver at dito agad na pinaharurot ng suspek ang minamanehong bus na nagresulta sa pagkakasagasa at pagkakaladkad ng biktima na halos ikinalasog nito.

Hawak na ng pulisya si Vergara at patuloy pang iniimbestigahan ang insidente kung sinadya nga ba nito ang pagsagasa kay Datoon, lalo pa’t may mga nagsasabing nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa bago mang­yari ang malagim na insidente.

vuukle comment

DASMARIN?AS CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with